May-ari ng SUV na sangkot sa aksidente sa Mandaluyong, pinagpapaliwanag ng LTO

May-ari ng SUV na sangkot sa aksidente sa Mandaluyong, pinagpapaliwanag ng LTO

BINIGYAN ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari at driver ng sports utility vehicle (SUV) na sangkot sa aksidente sa Mandaluyong City noong Disyembre 23.

Ito’y matapos matuklasan na hindi pa rehistrado ang naturang sasakyan nang mangyari ang insidente.

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa, ipinatatawag ang may-ari ng SUV sa regional office ng ahensiya sa Enero 4.

Tinukoy naman ang sasakyan na isang Mitsubishi Montero na may plate no. WTQ 575.

Sa ngayon ay suspendido muna ng 90-araw ang SUV at ang driver’s license ng may-ari.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble