May family history ng prostate cancer, pinayuhang magpasuri agad—health expert

May family history ng prostate cancer, pinayuhang magpasuri agad—health expert

SA mga kalalakihan, ang prostate cancer ang pang-limang nangungunang uri ng kanser sa buong mundo. Sa Pilipinas, pang siyam itong dahilan ng kamatayan sa bansa.

Ayon kay Dr. Rudolfo de Guzman, presidente ng Philippine Society of Urologic-Oncologist, Inc, mataas ang incidence at detection rate ng prostate cancer sa Metro Manila.

“Here if you narrow it down, we obviously conclude that Metro Manila would have highest incidence, and that would be true to most populated region in the country. On the top three city, Quezon city, Parañaque, Manila have the highest reported rates of cancer detection. This is based on from PhilHealth claims,” saad ni Dr. Rudolfo de Guzman, President, Philippine Society of Urologic-Oncologist, Inc.

Ayon sa eksperto, karaniwanang nade-detect ang prostate cancer sa mga kalalakihan na may edad 50 pataas.

60 percent sa mga kalalakihan na na-diagnose ng prostate ay nasa 65.

High risk ka kung may family history ka ng prostate.

Kung ikaw ay may tatay o kapatid na lalaki na may ganitong sakit, mahalaga na agad kang magpatingin ayon sa eksperto.

“If you have a father or brother who has prostate cancer specially if it is advanced prostate cancer. This will increase the risk for prostate cancer two folds, so doble, 50 percent risk developing prostate cancer and this is automatic go signal to have yourself screened,” ayon pa kay De Guzman.

Maliban diyan, ang pagkahilig mo sa matatabang pagkain ay isa ring risk factor ng prostate.

“Diet is always risk factor for almost of all cancers so obesity and diet in high saturated fat will increase your risk in prostate cancer. ‘Yong mahilig kumain ng junk food. Street foods na mataba and you’re really BMI o ‘yong body mass index mo sobrang taas, Alam mo na magpatingin na rin kayo,” aniya.

Ilan sa mga urinary symptoms nito ay ang pagkaroon ng dugo sa iyong ihi o sa semilyo mo at ang pagkakaroon ng hematuria at iba pang sintomas.

“Hindi nauubos ang ihi kapag nakakaihi na, kala mo tapos ka na sa CR, babalik ka pa para ubusin ang laman ng pantog.”

“Weak streams, so hindi ka na tumatama sa ihi mo sa likod ng urinal, hindi na umaabot sa toilet bowl medyo bitin, straining, so umiiri ka para umihi. Incontinence, so you have urinary leakages nauunahan ka kahit naiihi ka, you notice some leak on your pants before you get to the bathroom. Irritative symptoms, lagi kang naiihi, feeling mo ihing-ihi ka na, kakaihi mo lang, Nocturi, this is the most reasons why men come in so sa gabi ginigising ka ng para umihi lang,” aniya pa.

Ang prostate cancer gaya ng iba pang cancer ay curable basta ito ay agad na nade-detect at nagagamot.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble