PINABULAANAN ng Department of Health (DOH) ang akusasyon ni Senator Panfilo Lacson na may kickback ang gobyerno sa pagbili ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China.
Ito ang pinaninindigan ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa regular media forum ng kagawaran.
“Sinasabi nga natin, itong presyo na ito na lumabas were indicative prices during that time that we have prepared for the budget hearing in Congress and in Senate also,” pahayag ni Vergeire.
Ani Vergeire, nakuha nila ang mga presyo na ito mula sa mga website ng mga manufacturer.
Dagdag ni Vergeire, ginamit lang nila ang mga presyo na ito upang ma-estimate ang gagastusing pondo para sa bibilhing bakuna ng bansa na ipipiresenta nila sa budget hearing.
Ngunit ayon kay Vergeire, hindi ito nangangahulugan na balak nilang magkaroon ng kickback mula sa pondo na pambili ng bakuna.