Mayamang relasyon ng Pilipinas at China na nagsimula pa noong mga sinaunang panahon, hindi dapat kalimutan—Fil-Chi community leader

Mayamang relasyon ng Pilipinas at China na nagsimula pa noong mga sinaunang panahon, hindi dapat kalimutan—Fil-Chi community leader

NANAWAGAN si Teresita Ang See, Filipino-Chinese community leader na huwag kalimutan ang matagal nang mayamang ugnayan ng Pilipinas at China na nagsimula pa noong mga sinaunang panahon.

“Sana no matandaan natin ang ating pinanggalingan mula pa noong panahon bago dumating ang mga Kastila dito, ang ganda na ng relasyon ng mga Tsino sa mga Pilipino. We work together. We traded together. We help one another,” pahayag ni Teresita Ang See, Filipino-Chinese Community Leader.

Iyan ang binigyang-diin ni See ngayong Chinese New Year na dapat balikan at alalahanin ng bawat isa ang matagal at mayamang ugnayan ng mga Pilipino at mga Tsino.

Iyan ay sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng Tsina at Pilipinas kabilang na rito ang pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea.

Aniya, dapat isantabi muna ang hindi pagkakaunawaan at mga isyung nagdudulot ng sigalot dahil mas mahalaga na mapanatili ang magandang ugnayan ng dalawang bansa.

“People to people, we should maintain this friendly relationship.”

“Sana bumalik tayo sa panahon na may respeto sa isa’t isa. Our government should understand that no matter what differences are the ties that binds us together are equally important. We should not set that aside,” dagdag ni See.

Hinimok ni See ang publiko na bisitahin ang Bahay Tsinoy sa Intramuros—isang museo na naglalaman ng mga eksibit tungkol sa kasaysayan at kontribusyon ng mga Tsino sa bansa mula sa kultura, pagkain, at kaugalian.

Dito aniya mas maiintindihan ng bawat isa ang kasaysayan ng magandang relasyon ng dalawang bansa na nagsimula noong mga sinaunang panahon bago pa dumating ang mga Kastila.

Tampok din sa museong ito ang mahaba at makulay na kasaysayan ng relasyon sa kalakalan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

“The Spaniards came here, the British came here, the Americans came here, the Japanese came here in their gunboats. Only the Chinese came here in their merchant vessels bringing their trade goods, bringing their culture, bringing the richness of their technology. Bakit kinakalimutan natin ang mga ito?” ani See.

VP Sara, hinimok ang publiko na yakapin ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ngayong Chinese New Year

Nagpaabot din ng mensahe si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Chinese New Year kung saan kaniyang binibigyang-diin ang diwa ng pagkakaisa, kagandahang-loob, at pagtutulungan na siyang sumasalamin aniya sa okasyong ito.

“As we celebrate this joyous occasion, let us embrace the spirit of generosity and harmony that defines this season. This vibrant time not only honors our rich traditions but also highlights the strong bonds of collaboration that enrich our heritage,” saad ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.

Binigyang-diin din ni VP Sara ang kahalagahan ng diwa ng bayanihan at habag sa pagpapanatili at muling pagtuklas ng masigla at makulay na pamanang nagpapalalim sa ating ugnayan ng pagkakaibigan at kooperasyon.

“And whatever lies ahead this year, may we face every challenge boldly with the same diligence, resilience, and hard work which all communities are known for,” dagdag ni VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble