Maymay Entrata, gumawa ng isang tribute letter para sa kanyang ina

Maymay Entrata, gumawa ng isang tribute letter para sa kanyang ina

GUMAWA ang aktres na si Maymay Entrata ng isang tribute letter para sa kanyang ina, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan nito.

Sa kanyang social media post, ibinida ng aktres ang liham nito para sa kanyang ina upang bigyang pagkilala ang lahat ng ginawa nitong sakripisyo para sa kanilang pamilya.

Aniya, naging inspirasyon nito ang kanyang ina na maging matagumpay sa lahat ng pagsubok na kanyang kinakaharap.

Kasabay nito, nagpapasalamat din ang aktres sa Panginoon sa pagbiyaya sa kanyang ng isang mapagmahal na ina. tribute letter

Inulan naman ito ng komento mula sa mga netizen maging sa mga kasamahan nito sa industriya na nagpaabot din ng pagbati sa kaarawan ng ina ng aktres.

Follow SMNI NEWS in Twitter