KINUMPIRMA ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na meron isang 33-taong gulang na babae na nagtatrabaho sa isang pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila ang nagpositibo sa COVID-19 Delta variant.
Sinabi ni Mayor Isko Moreno, kahapon lamang ng umaga inabisuhan ang Manila Health Department na isang ginang na assistant researcher sa isang ospital ang nakararanas ngayon ng naturang sakit.
Paliwanag ni Moreno sa detalye na ibinigay sa kanila ng isang ospital na hindi pag-aari ng Manila LGU Hunyo 23,2021 pa pala nakaranas ng sintomas ng COVID-19 ang naturang babae.
Sumailalim sa RT-PCR test ang ang naturang ginang kasama ang kanyang asawa at dalawang anak noong Hunyo 26 kung saan ay nagpositibo ang mga ito sa COVID-19.
Bunsod upang sumailalim sa home quarantine ang magpapamilya.
Nakaraang Hulyo 3 naman nang maramdaman nilang pamilya na nawala na ang sintomas ng COVID-19 sa kanila kaya Hulyo 10 ay inanunsyong ligtas na silang magpamilya mula sa COVID-19.
Nitong Hulyo 11 ang naturang babae ay nakabalik na sa ospital kung saan ito nagtatrabaho.
Kahapon, Hulyo 22 lamang ay lumabas na ang sample ng naturang babae na ito ay nagpositibo na rin sa COVID-19 Delta variant.
Ayon din sa alkalde maliban sa pamilya ng 33-taong gulang na ginang na nagka-Delta variant ay wala nang naiulat na nahawaan ng nakamamatay na sakit.
Dagdag pa ng Alkalde sa ngayon ang naturang babae na may Delta variant cases ay maayos na rin ang kalagayan at muli na naman itong isasailam sa swab test pati na rin ang kanyang pamilya.
Matapos ang isang buwan na anunsyo ng isang ospital sa Manila LGU ay wala na silang impormasyon na kung ang babaeng sinasabing nagpositibo sa Delta variant ay bakunado na ba.
Matatandaan una na rin naiulat na dalawa sa lungsod ng Maynila ang nakapagtala ng COVID-19 delta variant, pero ang mga ito ay matagal na rin nakarekober.
Kahapon naglabas ng anunsiyo ang Department of Health (DOH) na labing dalawa ang naitalang may panibagong kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.
At sa bilang na nabanggit, 3 dito ay nasa National Capital Region (NCR).