MAGPAPATUPAD ang lungsod ng Maynila ng liquor ban para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Sa press conference, inanunsyo ni City Mayor Honey Lacuna na magsisimula ang liquor ban sa Enero 7-9.
Ayon kay Lacuna, mag-iisyu siya ng executive order kaugnay sa ban na inaasahang mailalabas ngayong Martes.
Ito na ang ikatlong sunod na taon na kanselado ang tradisyunal na “Traslacion” at “Pahalik” sa Quiapo dahil sa banta ng COVID-19.