Metro Manila, posibleng maibalik sa MECQ kung aabot sa 85K ang Covid-19 cases sa Hulyo 31

Metro Manila, posibleng maibalik sa MECQ kung aabot sa 85K ang Covid-19 cases sa Hulyo 31

INIHAYAG ng Palasyo na posibleng maibalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Metro Manila sakaling sumipa ang kaso ng Covid-19 sa 85,000 pagsapit ng Hulyo 31.

 

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod na rin ng pagtaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines.

 

Sa ngayon nasa General Community Quarantine ang Metro Manila hanggang July 31.

 

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na upang hindi magutom ang maraming Pilipino, mahalagang buksan ang ekonomiya.

 

Dagdag pa ni Roque, na mahihirapan ang ekonomiya kung muling magsasara ang mga negosyong nagbukas.

 

Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Duterte ang community quarantine status ng iba’t-ibang lugar sa bansa sa darating na Agosto 1.

 

Samantala, tumaas pa sa 72,269 ang kumpirmadong kaso ng kaso ng Covid-19 sa buong bansa.

 

Ito ay matapos nadagdagan ng 1,594 panibagong kaso batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) kahapon.

 

Mula sa kabuuang bilang, nasa 46,269 naman ang naitalang active cases.

 

Tumaas din ang bilang ng mga nasawi sa 1,843 matapos madagdagan ng 6 sa nakalipas na magdamag.

 

Gayunpaman, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga gumagaling kungsaan nasa 23,623 na ang kabuuang bilang matapos itong madagdagan ng 342.

 

SMNI NEWS

 

BONUS OFFER

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.