WALANG magiging water disconnection activities sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.
Ngayong araw, inatasan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO) ang Maynilad at Manila Water na suspendihin ang lahat ng kanilang service disconnection activities sa loob ng 2 linggong ECQ.
Pinatitiyak din ng MWSS sa dalawang water concessionaires ang availability ng water supply sa kanilang service areas.
Samantala, umapela ang MWSS RO sa mga concerned local government unit sa Metro Manila, Cavite, Rizal na payagan ang meter readers ng Maynilad at Manila Water na ipagpatuloy ang kanilang on-site water meter reading at billing operation sa panahon ng ECQ.
Ito ay para matiyak na ang bill ng kanilang mga customer ay base sa actual water consumption at mabawasan ang billing complaints na maaring mangyari kung sisingilin sila base sa average consumption.
Inatasan din ng regulatory office ang dalawang concessionaires na tiyakin ang mahigpit na pagsunod ng kanilang meter readers at iba pang personnel sa health and safety protocols sa pagsasagawa ng read-and-bill.
Suplay ng pagkain sa ilalim ng ECQ sa Metro Manila, sapat ayon sa DTI