Maynilad, gagastos ng mahigit P200-B para sa pagpapaunlad ng serbisyo

Maynilad, gagastos ng mahigit P200-B para sa pagpapaunlad ng serbisyo

INIHAYAG ng Maynilad na maglalaan ito ng 220 bilyong piso para sa pagsasaayos at pagpapaunlad ng kanilang water supply.

Ito ang inihayag ng water concessionaire sa Kapihan sa Maynila Media Forum, araw ng Miyerkules.

Sa spending plan ng Maynilad, balak nilang magpatayo ng 7 water treatment plants para sa pagdaragdag ng 545 million liters sa kanilang water supply kada araw.

Sa pamamagitan aniya nito ay mababawasan ang service interruptions ng Maynilad sa kanilang mga customers.

Manggagaling sa Laguna Lake at Kaliwa Dam, sa ilang ilog ng Cavite at Water Reclamation Facilities ang tubig na makukuha sa mga ipatatayong pasilidad.

Follow SMNI NEWS in Instagram