MAGBIBIGAY ng rebate ang Maynilad sa kanilang mga customer na naapektuhan ng mahabang water service interruption sa south bunsod ng problema sa Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa City.
Ito ay matapos ipag-utos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Board (MWSS-RO) sa Maynilad na magbigay ng mahigit P27.4 milyon na rebate o balik-bayad sa mga apektadong consumer.
Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang bilang ng mga customer na makakakuha ng rebate at magkano ang kanilang matatanggap. water service
Ayon sa MWSS-RO, magkakaroon ng public forum kaugnay sa P27.4 milyon rebate sa Enero 31, 2023.
Target naman na ipatupad ang rebate sa February 2023 billing ng mga customer.