PINAGMULTA ng higit P2-M ng MWSS Regulatory Office ang water concessionaire na Maynilad Water Services kasunod ng kontaminasyon ng bacteria na coliform ang tubig sa 14 na barangay sa Caloocan City noong Disyembre 2023.
Dahil diyan, makatatanggap ng P530.69 na rebate o balik-bayad ang mga apektadong customer sa kanilang mga water bill.