Maynilad sewage treatment plants target na matapos ang konstruksyon

Maynilad, sewage treatment plants target na matapos ang konstruksyon ngayong taon. Target ng Manila Water Services Inc. na makumpleto na ngayong taon ang konstruksyon ng kanilang tatlong (3) bagong Sewage Treatment Plants.

Kasalukuyang itinatayo ng Maynilad, sewerage treatment plants  sa Baranggay Cupang at Tunasan sa Muntinlupa at Baranggay Marulas sa Valenzuela.

Ayon sa Maynilad, kaya nitong maglinis ng hanggang 126,000 cubic meters ng wastewater kada araw at makatutulong upang mabwasan ang polusyon sa Manila Bay.

Inaasahang oras na matapos maseserbisyuhan nito ang halos 700,000 na residente ng Muntinlupa at Valenzuela.

Tinatayang aabot sa 7.15 bilyong piso ang inilaang pondo ng Maynilad para sa naturang proyekto na layong mapaganda pa ang serbisyo sa west zone customers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.