“Maynilove”, inilunsad sa Lungsod ng Maynila

INILUNSAD ngayong araw ng local government ng Maynila ang “Maynilove” sa Mehan Garden kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko” Moreno, ang Valentine’s event ay bahagi ng pagsisikap ng city government na matulungan ang mga maliliit na negosyo na makarekober sa COVID-19 pandemic.

Kabilang sa inaalok ng 35 booths na nakiisa sa event ay candlelight dining experience na may pianist at violinist, scented candles, photo booth at mga bulaklak.

Sinabi ni Moreno na mahigit 200 na trabaho ang nalikha sa pamamagitan ng Maynilove event.

Bukas ang “Maynilove” sa publiko mula Pebrero 1 hanggang 15, simula alas 4 ng hapon hanggang alas 11 ng gabi, araw-araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.