Mayor Alice Guo, hindi maaaring magsilbing state witness—PAOCC

Mayor Alice Guo, hindi maaaring magsilbing state witness—PAOCC

HINDI maaaring magsilbing state witness si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa ginagawang imbestigasyon kontra ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kasalukuyan.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), direktang may ugnayan si Guo sa POGO activities.

Partikular na rito sa Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban at posibleng maging sa Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Ang maaari lang maging state witness ay ang pinaka-hindi guilty sa isang krimen.

Samantala, maari namang arestuhin ang mayora sakaling hindi nito sisiputin ang pagdinig sa Senado kaugnay sa ginawang POGO raid sa kaniyang bayan.

Isasagawa ang pagdinig sa Miyerkules, Hulyo 10.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, maglalabas ang Senado ng warrant at papatawan ng contempt order ang alkalde.

Binigyan diin din ng senador na hindi maaring gawin ni Mayor Guo ang ginawa nito sa Department of Justice (DOJ) na hindi sumipot sa preliminary investigation.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble