Mayor Alice Guo, maaaring maharap sa isang election offense charge—COMELEC

Mayor Alice Guo, maaaring maharap sa isang election offense charge—COMELEC

MAAARING maharap si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kasong may kaugnayan sa election offense.

Kasunod ito sa ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na pareho ang fingerprints ni Mayor Alice at ng chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, kung may ebidensiya ay ihahain laban kay Mayor Alice ang election offense na “misrepresentation”.

Hunyo 25-27, 2024 nang ginawa ng NBI- Organized and Transnational Crime Division ang examination ng dalawang fingerprints.

Samantala, matatandaang sinabi na ng NBI na nadiskubre nilang mayroong ibang indibidwal na nagngangalang Alice Leal Guo.

Ibig sabihin, kapareho ito sa ginagamit na pangalan ni Mayor Alice sa kaniyang personal documents.

Sinabi na maaaring isang kaso ito ng stolen identity lalo na’t magkapareho ang mga impormasyon ng dalawang Alice Guo maliban sa mukha.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble