SINABI ni Davao City Mayor Baste Duterte na gumagamit ng pulis ang administrasyong Marcos para ipakita ang kapangyarihan at sirain ang mga kritiko.
“Ano nga ba ang napatunayan nila [Marcos admin] sa kanilang mga ginawa? Napatunayan lang nila na ganitong klase sila mamuno-gagamitin nila ang pulis, tulad ng ginagawa nila sa KOJC, upang ipakita ang kanilang awtoridad at kapangyarihan para sirain ang mga sa tingin nila ay kalaban nila,” pahayag ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte, Davao City.