Mayor Belmonte, namahagi ng school supplies sa ilang paaralan ng QC

Mayor Belmonte, namahagi ng school supplies sa ilang paaralan ng QC

PERSONAL na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga school supplies sa mga mag-aaral ng Batasan Hills National High School at New Era High School kasabay ng pagsisimula ng Brigada Eskwela sa lungsod.

Sa darating na school year, makakatanggap ang mga mag-aaral ng sumusunod na kagamitan base sa kanilang grade level tulad ng notebooks, ballpens, pencil, crayons, clay, note pads, alcohol dispenser, small whiteboard, marker, tumbler, at iba pa.

Nakiisa sa pamamahagi sina Schools Division Superintendent Ms. Carleen Sedilla, Coun. Aly Medalla, QC Education Affairs Unit OIC Ms. Maricris Veloso, at ang school principals.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble