NANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga kompanya at construction firms na hindi dapat mag-atubili na ipaalam ang kanilang COVID-19 situation.
Ito ay upang malaman kaagad ng lokal na gobyerno kung mayroong bang posibleng COVID positive mula sa kani-kanilang mga empleyado at maiwasan ang transmission sa mga kalapit lugar.
Sinabi pa ng alkalde, kung hindi aniya makikipagtulungan ay maaring magdulot ito ng abala pati na sa komunidad at maaring sampahan ng kaso at mahuhuling lalabag sa ipinatutupad na protocols ng pamahalaang nasyonal.
Matatandaang, ipinagbigay-alam ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro sa alkalde, na maaring sampahan ng kaso ang Millennium Erector Corporation (MEC) dahil sa violation sa health protocols, kasalukuyan kasing isinasagawa ang Manhattan Cubao kung saan nakapagtala ng 57 na kaso ng COVID-19.
“If evidence proves that MEC was aware of its workers’ situation but failed to report to the CESU, then they may be held criminally liable pursuant to Section 2.c of the IRR of RA 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,” pahayag ni Casimiro.
Ayon naman sa Department of the Building Official (DBO), na pinamumunuan ni Atty. Dale Peral, naglabas ng cease and desist order noong Agosto 26 sa MEC upang ihinto ang kanilang konstraksyon dahil sa paglabag sa RA 11332.
“The CDO will not be lifted until there is clearance from the CESU and DBO,” ayon kay Perral.
Matapos ang pagtuklas ng isang index case noong Agosto 16 ay masusing nagsagawa ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng pagsusuri sa 271 na mga manggagawa kung saan 13 dito ang nagpositibo at dinala sa HOPE facility ng lungsod at inilagay sa Special Concern Lockdown ang lugar.
Noong Agosto 21, karagdagang 13 positibong manggagawa ang dinala naman sa nasabing isolation facility.
Nagsagawa naman muli ang CESU ng pagsusuri sa mga nagnegatibong workers kung saan karagdagang 30 manggagawa ang nagpositibo sa virus matapos makaranas ng pag-uubo.
Paalala ng city government at ng CESU sa mga manggagawa na tumawag sa kanilang hotline o contactvtracing hotline at sa kanilang official Facebook page upang ibigay alam kung sila ba ay nakakaramas ng sintomas o nagpositibo sa virus.
BASAHIN: No contact apprehension maaaring ipatupad sa Quezon City