Mayor Benjie Magalong, isa sa bubuo ng 5 man committee ng DILG

Mayor Benjie Magalong, isa sa bubuo ng 5 man committee ng DILG

ISA si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa bubuo sa 5 man committee ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief police General Rodolfo Azurin Jr. sa isang pulong balitaan sa Kampo Krame.

Kaugnay ito sa courtesy resignation deal ni Interior Secretary Benhur Abalos sa lahat ng full colonel at general ng PNP.

Sa ngayon, ay isa pa lang ang kumpirmadong kasapi sa nasabing komite na sisiyasat at mag-iimbestiga kung may kaugnayan ang isang pulis sa isyu ng iligal na droga sa loob ng organisasyon.

Ayon kay Azurin, nasa 22 na mga pangalan ang pinagpipilian ng DILG para bumuo sa naturang komite.

Nauna nang hinimok ni Azurin ang mga kasamahan nitong matataas na opisyal sa PNP na magsumite ng kanilang resignation na may kinalaman man o wala sa isyu ng illegal drug trade sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter