ISINUSULONG ni Mayor Kelvin Chan na makilala ang bayan ng Pozorrubio sa larangan ng cacao industry ngayong World Chocolate Day.
Dahil dito, isinagawa ang dalawang araw na pagsasanay sa Coffee and Cacao Production with Good Agricultural Practices sa municipal hall ng Pozorrubio, Pangasinan nitong Hulyo 6-7, 2023.
Nagpapasalamat naman ang kooperatiba ng Pozorrubio na gumagawa ng tsokolate sa tulong ng Agriculture Training Institute, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at Department of Science and Technology ng Region 1.
Sa ngayon, ang Pangasinan ang nangunguna sa buong Region 1 na may pinakamaraming bilang ng cacao processor at manufacturer na umabot sa walo.
Sa kabila nito, nasa 40,000 metric tons ang deficit ng demand ng cacao products ng Pilipinas kaya patuloy na nag-iimport ito.
Bukod pa rito, ang bayan ng Pozorrubio ay kilala rin sa paggawa ng mga produkto gaya ng ‘patupat’ at world class na mga sword.