Mayor Degamo, ‘di bilib sa bumaliktad na suspek na si Osmundo Rivero

Mayor Degamo, ‘di bilib sa bumaliktad na suspek na si Osmundo Rivero

HINDI bilib si Mayor Janice Degamo sa bumaliktad na salaysay ni Osmundo Rivero, ang unang suspek na nagbago ng affidavit matapos na ituro noon si Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. bilang siyang mastermind sa krimen.

Para sa biyuda ng napaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo, maraming butas sa bumaliktad na salaysay ng suspek na si Jhudiel Rivero aka Osmundo Rivero.

Marami aniyang inconsistencies sa mga pahayag nito.

Hindi rin aniya credible ang taong ito, lalo pa may criminal records na ito noon pa man.

“Inconsistencies in the sense na, to give an example, ‘yong address niya in Zamboanga, pupunta siya sa pulis to report na meron siyang missing motorcycles, so parang marami ring loopholes. Kung nakita niyo rin no records will tell you, na si Rivero parang siyang may criminal records sa Zamboanga del Sur, murder with a certain Casokot. And it’s found out there, he is part of syndicated crime group in Mindanao,” ayon kay Mayor Janice Degamo, Pamplona, Negros Oriental.

Sa ngayon maliban kay Rivero, bumaliktad na rin ng salaysay ang iba pang mga suspek.

Pero ayon kay Degamo, kahit pa bumaliktad ang lahat ng mga suspek, ay hindi aniya ito makaaapekto sa katotohanan na pinanghahawakan nila.

“Kasi naman they will always seek modes to discourage us, to discourage those people who had been fighting cases against them, para siguro matakot din, at mag-second thought din yong iba. Basta our minds are made up already, we believe may laban kami sa kaso, umaasa kami sa kakayahan ng aming mga lawyer. Lalabas yong tama at hindi totoo,” dagdag ni Mayor Janice.

Arnie Teves, hindi pa rin uuwi ng bansa sa kabila ng pagbaliktad ng mga suspect-witness sa Degamo murder—Teves camp

Samantala, sa kabila ng isa-isa namang pagbaliktad ng mga suspek at witness sa Degamo murder, si Teves hindi pa rin umano uuwi ng bansa.

Pagpapabasura sa murder complaint vs Teves  na may kaugnayan sa 2019 Negros Oriental killings, inihain sa prosekusyon

Naghain na rin ito ng motion to dismiss para sa murder complaints na inihain laban sa kongresista na may kaugnayan naman sa 2019 Negros Oriental killings.

Ito’y kasunod ng pagbubukas ng preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) prosecutors para dito.

Giit ni Topacio, mahina ang ebidensiya para idiin at mapanagot dito si Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter