Mayor Baste Duterte hiniling ang pakikiisa ng mga Dabawenyo sa ilalim ng kanyang administrasyon

Mayor Baste Duterte hiniling ang pakikiisa ng mga Dabawenyo sa ilalim ng kanyang administrasyon

NANUMPA na kahapon si Vice Mayor at incoming Mayor ng Davao City na si Sebastian “Baste” Duterte.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Mayor Baste ang mga Dabawenyo na makiisa sa pagpapaunlad ng lungsod.

Ani Baste handa siyang makinig sa boses ng mga mamamayan ng Dabaw subalit dapat din aniyang tuparin ng mga ito ang responsibilidad partikular na ang pagsunod sa batas na ipinatutupad sa lungsod.

Prayoridad ng nakababatang Duterte ang pagkakaloob ng pangunahing pangangailangan ng mga Dabawenyo tulad ng pagkain, edukasyon, serbisyong medikal, kaayusan at kapayapaan.

Samantala, tiwala naman ang kapatid nito na si outgoing Mayor at Vice President-elect Sara Duterte sa kakayahan ng kapatid.

Ayon kay VP Inday, malinaw sa kanyang nakababatang kapatid ang prayoridad nito na walang iba kundi ang kapakanan ng mga mamamayan ng Dabaw.

Si Baste ay nagsilbi ng tatlong taon bilang vice mayor ng lungsod at nagtapos ng kursong political science sa Ateneo de Davao University.

Follow SMNI NEWS in Twitter