Mayor Ferdinand “Andy” Agduma ng Lambayong Sultan Kudarat nanawagan ng tulong kay Pang. Marcos

Mayor Ferdinand “Andy” Agduma ng Lambayong Sultan Kudarat nanawagan ng tulong kay Pang. Marcos

UMABOT na sa 10 barangay sa bayan ng Lambayong ang apektado ng pagbaha dahil sa pagguho ng dike ng Allah River na naging sanhi ng pagkasira ng mga produktong agrikultura kaya panawagan ng alkalde ang agarang tulong para dito mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Nanawagan na ng agarang tulong ang lokal na pamahalaan ng Lambayong kay Pangulong Marcos.

Ngayong umabot na sa 10 barangay ang apektado ng pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian at mga produktong agrikultura sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News team kay Lambayong Mayor Ferdinand “Andy” Agduma, sinabi nito na umabot na sa 10 barangay ang apektado ng patuloy ng pagbaha ng Allah River dahil sa pagkasira ng dike ng nasabing ilog kaya nanawagan na sila ng tulong kay Pangulong Marcos na siya ring namumuno sa pamamahala sa Kagawaran ng Agrikultura sa bansa.

Pag-amin ni Agduma, hindi sapat ang pondong inilaan ng LGU para ma-reconstruct ang nasabing dike dahil nasa 5% lamang ito sa kanilang calamity fund mula sa kanilang annual budget.

Dagdag pa ni Agduma, nasa pagsasaka ang pangunahing pagkakakitaan ng bawat residente kaya nanawagan sila ng tulong upang agad masulosyonan ang kanilang problema sa pagkasira ng nasabing dike.

“Kaya nanawagan ako sa national na tingnan naman nila itong problema namin dahil nga ang aming bayan is considered as rice granary po dito sa region eh tapos mangyari lang po na masuta lang nang baha eh marami pong properties po nang tao dito nasisira delikado din po sa mga tao na nakatira sa dyan sa tabi ng Allah River,” ayon kay Mayor Ferdinand “Andy” Agduma-Lambayong Sultan Kudarat.

Gayunpaman naniniwala ang alkalde sa SMNI dahil sa SMNI umano ay siguradong makararating kay Pangulong Marcos ang kanilang mga hinaing upang masolusyonan agad ang kanilang problema at maagapan ang pagkasira ng mga ari-arian at mga produktong agrikultura ng mga bawat residente dito.

“Kaya nga po wala na po akong ibang nilapitan kundi kayo po sa SMNI po at salamat po nanawagan po ako sa national government lalo na kay President BBM na sana ah mabigyan po ito ng pansin dahil napakalaki po tong problema dito sa amin dito yung Lambayong is formerly Mariano Marcos po ito tong bayan pong ito eh sayang kung sisirain lang po ng baha dahil nga andyan na po siya,” dagdag pa ng alkalde.

Umaasa ang bawat residente ng Lambayong na ma-reconstruct ang nasirang dike sa pamamagitan ng tulong mula sa national government.

Follow SMNI NEWS in Twitter