INILAHAD ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang tatlong isyu sa ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa isang panayam, nabanggit ni Zamora ang mga isyu sa pagsubaybay sa pagbaba ng presyo ng mga produkto ng konsyumer, kawalan ng trabaho at ang Metro Manila Subway na pangunahing programa na naging solusyon sa isyu ng trapiko at transportasyon.
Giit nito, dapat unahin at mabigyang solusyon ang presyo ng mga bilihin na hinaing ng mamamayan, pangalawa ay ang pag kakaroon ng trabaho ng mga Pilipino kasunod ng May 2023 Labor Force Survey na nag pakita ng pagbaba ng rate ng unemployment at underemployment sa bansa, at pangatlo ang pagdami ng subway system at mag karoon ng subway sa lungsod ng San Juan.
Samantala, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang groundbreaking ceremony para sa isang portion ng Metro Manila Subway Project (MMSP) partikular ang CP104 ng MMSP-Ortigas at Shaw Boulevard Stations at tunnels.
Inaasahan naman na humigit-kumulang 150, 000 na mga commuters ang makikinabang sa proyektong ito sa 2028.