Mayor Francis Zamora, maghahain ng Certificate of Candidacy bilang re-electionist

Mayor Francis Zamora, maghahain ng Certificate of Candidacy bilang re-electionist

INAASAHANG maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) si San Juan City Mayor Francis Zamora bilang re-electionist ngayong araw.

Nakatakadang magfile ng kanyang COC si Mayor Francis Zamora kasama ang kanyang lineup para sa 2022 local elections.

Ngayong araw, Martes, 10:00 ng umaga, inaasahang maghahain ng kanyang kandidatura si Mayor Zamora bilang re-electionist sa San Juan City.

Kung sakaling makapasok muli sa 2022 ay tututukan ani Zamora ang pagpapaigting ng programang pangkalusugan at ang COVID-19 response ng Local Government Unit (LGU).

Kasamang maghahain ni Zamora ang kanyang running mate na si Vice-mayor Warren Villa na muling tatakbo bilang bise-alkade at ang kanyang kapatid na si Atty. Bel Zamora bilang congresswoman.

Kamasa rin ng alkalde sa paghahain ang kaniyang line-up para konsehal sa district 1 at 2.

Ilan rito ay mga basketball players na sina Paul Artadi at James Yap at ang artista na si Ervic Vijandre bilang mga konsehal para sa district 1.

Tatakbo rin sa pagkakonsehal sa ilalim ng line up ni Zamora ang kasintahan ni Sunshine Cruz nasi Macky Mathay at basketball coach na si Don Allado bilang mga konsehal sa district 2.

Bago tutungo sa Comelec ng San Juan office ay dadalo muna sila sa isang thanksgiving mass sa St. John the Baptist parish.

SMNI NEWS