Mayor Francis Zamora, pinayuhan ang publiko na mag-ingat sa scammers online

Mayor Francis Zamora, pinayuhan ang publiko na mag-ingat sa scammers online

PINAYUHAN ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang publiko na maging mapagmatyag mula sa scammers.

Kasunod ito sa fake social media accounts at pages na ginagamit ang kaniyang pangalan para makahingi ng pera at iba pang uri ng monetary transactions.

Ani Zamora, huwag sagutin ang mga private o direct messages ng mga ito dahil hindi iyon galing sa kaniya.

Maaari ding agarang i-report o i-block ang mga fake account na ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter