NILAGDAAN ni Manila City Mayor Dr. Maria Honey Lacuna-Pangan noong Nobyembre 28 ang city government budget para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P22.2 bilyon.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 8919 o ang 2023 executive budget of the city government, kalahati sa budget ay ilalaan para sa mga programang magbibigay serbisyo panlipunan at pangkalusugan.
Kaugnay nito, patuloy na paiigtingin ng lungsod ang mga programang magbibigay ng peace and order, environmental cleanliness and social allowances.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang alkalde kina Vice Mayor Jhon Marvin Nieto, Majority Floor Leaders and Councilors Ernesto Isip Jr. at iba pang opisyal ng lungsod.