NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso dahil sa hindi maayos na sistema sa mga locally stranded individual o LSI sa Rizal Memorial Stadium.
Ayon kay Domagoso, sana pinag-isipan o pinagplanuhan nang maiigi ng mga organizer ang proseso sa pagpapauwi sa mga LSI.
Aniya, libo-libo sa mga ito ay pinababayaan lang kung saan-saan natutulog o nakahiga sa kabila ng napakalawak ng stadium.
Kinuwestiyon din ng alkade ang pamunuan ng Philippine Sports Commission o PSC dahil pumayag ang mga ito na malagay sa alangin ang sitwasyon ng mga LSI pati ang simpleng paglalagay ng maayos na basurahan ay hindi pa napag-isipan.
Gayunpaman, walang sinisisi ang mayor sa nangyari dahil kabahagi naman ito ng trabaho ng bawat isa at ang nasabing Hatid Tulong Program ng pamahalaan ay isa sa magandang ideya para sa kapakanan ng mga LSI.
Nilinaw din ni Isko Moreno na patuloy na makikiisa ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila na tumulong sa mga LSI.
Aniya, mananatiling bukas ang Rizal Memorial Stadium para sa kanila, at patuloy nilang lilinisan ang mga naiiwang basura ng mga LSI kahit may halong kaba dahil sa mga nagpositibo sa COVID-19.
Narito ang pahayag ni Mayor Isko Moreno Domagoso: