Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Lacuna at ilang konsehal, sasampahan ng kaso sa korte

Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Lacuna at ilang konsehal, sasampahan ng kaso sa korte

INIHAHANDA na ng mga vendors sa Divisoria Public Market ang isasampa nilang mga kaso laban kina presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno, mayoralty candidate Vice Mayor Honey Lacuna at ilang konsehal ng Maynila dahil ibinenta ng lokal na pamahalaan ang nasabing palengke sa Festina Holdings sa halagang P1.446-B sa pamamagitan ng City Resolution 180.

Nagtataka ang mga vendors kung bakit nakalikha ng batas na inisponsoran ni Konsehal Joel Chua, majority floor leader at naipasa sa Konseho upang magkaroon ng karapatan ang alkalde na maipagbili ang isang ‘Patrimonial Property’ sa Maynila at nilagdaan ito nina Vice Mayor Lacuna at Ernesto Isip, Jr. bilang President Pro-Tempore at Acting Presiding Officer ng City Council.

Sinabi ng pangulo ng kooperatiba ng Divisoria Public Market na si Emmanuel Plaza, na bukod sa mga kasong ihahain nila sa korte ay una na silang dumulog sa Senado at Malakanyang para aksyunan ang hinaing ng mga vendors na dekada nang nagtitinda sa nasabing palengke.

Nakatanggap ng liham ang mga vendors mula sa Market Administration Office noong November 11, 2020 para abisuhan sila na isasara ang Divisoria Public Market simula January 31, 2021 dahil sa konstruksiyon ng itatayong bagong gusali sa Tabora St., Comercio St., M. de Santos St., at Sto. Cristo St., Binondo, Manila pero laking gulat umano nila nang nadiskubre nila na ibinenta na pala ang naturang palengke.

Follow SMNI NEWS in Twitter