Mayor Isko, nirerespeto ang ilang pahayag na ‘super spreader’ ang ginanap na Traslacion

NIRERESPETO ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pananaw ng iilan na maituturing na ‘super spreader’ ng COVID-19 ang nangyaring Traslacion nitong weekend.

Inihayag ni Dr. Tony Leachon na ang Black Nazarene event (Traslacion) ay maikokonsiderang potential super spreader.

Sagot naman ngayon ni Mayor Isko, iginagalang nito ang demokrasya ng paglalahad ng kani-kanilang saloobin tungkol doon sa naganap na Traslacion.

Subalit, ayon sa alkalde, hindi nagsisinungaling ang datos.

“I respect his views but the our data doesn’t lie…Well, that is our so called democracy,” ayon pa kay Isko.

Pero una rito, tinuligsa ng alkalde ang umano’y ipinakakalat ng ilang indibidwal at grupo na bigo ang lokal na pamahalaan ng maynila na ipatupad ang mga safety protocols sa ginanap na traslacion.

Ipinakita pa ni Domagoso ang aktwal na kuha ng mga closed-circuit television footage o CCTV sa loob ng Simbahan ng Quiapo at bisinidad nito bilang patunay na nasunod ang physical distancing at napanatili ang disiplina sa mga manileno sa gitna ng naturang event.

Dagdag pa ng alkalde, batay sa 48-oras na pagmomonitor ng city hall ng maynila na nagtapos ng hatinggabi ng Sabado, ang bilang ng mga dumalo sa pagdiriwang ay nasa 278,000 pataas.

Pero Sambit ni mayor isko, bagama’t posibleng umabot sa 400,000 ang mga debotong lumahok sa pagdiriwang, ito’y sa kabuuan na.

Taliwas sa ulat na sabay-sabay ang bilang na dumating sa palibot ng Minor Basilica sa Quiapo.

Sa mga nakalipas na taon, umaabot sa tatlo hanggang apat na milyon ang dumadalo sa Traslacion.

Gayinoaman, inihayag ni mayor isko na dapat matutunan ng mamamayan na mamuhay kasama nag coronavirus na may pag iingat at pagsunod sa health protocols kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya.

“We must move on. We learn how to live with COVID-19 and learn how to go bact to work safely. We must continue that, so that we can continue to open the economy. Risk should not be avoided, risk should be managed,” ayon pa ni Mayor Isko.

Inanunsyo rin ni Manila Mayor Isko Moreno na magtatayo ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng storage facility para sa mga bibilhing bakuna kontra COVID-19 na itatayo sa Sta. Ana Hospital.

Iniulat din ni Isko Moreno na ang local government ay nag closed-deal na para sa acquisition ng 800,000 vaccines sa ilalim ng isang tripartite agreement kasama ang NTF, DOH at AstraZeneca.

Ayon sa huling ulat kaugnay sa kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila as of january 10 , 2021 ay nasa 25, 233 kung saan 249 active cases, 759 deaths at may 24, 225 recoveries.

SMNI NEWS