NANINIWALA si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo na wala silang problema sa security escorts na hindi nag-duty sa araw ng pagkapaslang ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon ito kay Atty. Harry Roque nang makausap si Mayor Janice.
Matatandaang, sa isang mensahe na ipinadala ni Negros Oriental Congressman Arnie Teves sa Kamara, sinabi nito na maganda kung iimbestigahan din ang umano’y mga absent na security sa kasong ito.
Maging si mismong Mayor Janice ay pinapaimbestigahan din ni Cong. Arnie Teves.