Mayor Janice Degamo, ibinahagi ang epekto ng pagkasawi ng asawang gobernador sa NegOr

Mayor Janice Degamo, ibinahagi ang epekto ng pagkasawi ng asawang gobernador sa NegOr

APEKTADO ang turismo at ekonomiya ng Negros Oriental sa ginawang pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

Ito ang sinabi ni Pamplona Negros Oriental Mayor Janice Degamo sa panayam ng SMNI News.

Ayon sa alkalde, iilan lamang ito sa epekto na nararanasan ng kanilang probinsiya matapos mangyari ang Degamo massacre.

Binigyang-diin ni Mayor Janice na nagsimula ang kaguluhan at pamamayagpag ng mga sugal sa Negros Oriental nang magkaroon na ng katungkulan sa pamahalaan ang mga Teves.

Dagdag pa ng mayora, gusto ng mga Teves na makaupo sa pinakamataas na posisyon sa probinsiya na hawak ng kaniyang pinaslang na asawa.

Naniwala si Mayor Janice na posibleng ito ang dahilan ng assassination kay Gov. Degamo.

Samantala, nauna nang sinabi ng mayora na hawak ng mga Teves ang kapulisan, piskal at iba pa sa Negros Oriental.

Ito’y sa kabila na ang kaniyang namatay na asawa ang may pinakamataas na posisyon sa kanilang lalawigan kumpara sa mga Teves.

Giit pa ni Mayor Janice, bukod sa posisyon, isa sa dahilan ng mga nangyayaring kaguluhan ang pera.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter