Mayor Joy Belmonte, kinumpirma na buhay pa ang kanyang ama

Mayor Joy Belmonte, kinumpirma na buhay pa ang kanyang ama

NILINAW ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na buhay na buhay pa ang kanyang ama na si dating House Speaker at dating Q.C. Mayor na si Sonny Belmonte.

Ito ay taliwas sa kumalat na art card na nagsasabi na patay na ang kanyang ama sa edad na 85.

Ani Mayor Joy, ang kanyang ama ay alive, well and in good spirit.

Nagpapasalamat naman si Belmonte sa mga tao na nagtatanong para i-verify kung totoo ang kumakalat na balita.

Nagtataka naman ang alkalde kung bakit halos sabay-sabay ang oras ng pag-post sa mga nasabing art card.

Aniya, posibleng isa lamang ang pinagmulan nito.

Umapela naman si Belmonte sa mga netizen na huwag i-repost ang mga nasabing art card.

Follow SMNI NEWS in Twitter