Mayor Joy Belmonte, naniniwalang nalampasan na ang pinakamalaking hamon sa lungsod ng Quezon

Mayor Joy Belmonte, naniniwalang nalampasan na ang pinakamalaking hamon sa lungsod ng Quezon

NANINIWALA si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nalampasan na nito ang pinakamalaking hamon sa lungsod.

Sa panibagong episode ng SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, inilahad ni Mayor Joy Belmonte na nalampasan na aniya ng Quezon City ang pinakamalaking hamon nito, ang COVID-19 pandemic.

Ani Belmonte, hindi niya inaasahan ang malaking bilang ng mga na-lockdown sa lungsod.

Aniya hindi lang pala ang mga residente ng Quezon City ang nangangailangan ng tulong, kundi ang mga nagtatrabaho sa Quezon City na mula sa ibang probinsiya.

Para kay Mayor Belmonte, mali ang gawain ng iba na hindi tumutulong sa mga indibidwal dahil lang sa hindi ito mga botante ng lungsod.

Aniya, responsibilidad ng partikular na lungsod na tulungan ang sinomang Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Naniniwala ang alkalde, na ang pagseserbisyo sa mamamayan ay dapat pangkalahatan at pantay-pantay ang pagtrato.

Giit pa ng alkalde, dapat ay bigyan ng special treatment ang mga laging kinakalimutan gaya na lamang ng PWDs, Solo parents at iba pa na pinakabulnerableng mamamayan na hindi nagkakaroon ng pagkakataon na marinig ang kanilang panawagan.

Follow SMNI NEWS in Twitter