Mayor Marcy Teodoro, kinuwestiyon ang COMELEC sa kanselasyon ng kaniyang kandidatura

Mayor Marcy Teodoro, kinuwestiyon ang COMELEC sa kanselasyon ng kaniyang kandidatura

SINAGOT ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang ginawang pag-diskwalipika sa kaniya ng Commission on Elections (COMELEC) sa darating na 2025 midterm elections.

Sa kaniyang official statement, iginiit ni Mayor Teodoro na aprubado ng local COMELEC office sa Marikina ang paglilipat ng kaniyang voter registration sa First District ng siyudad.

Saad ni Teodoro, kinilala rin ng COMELEC Marikina na ipinanganak siya sa First District ng siyudad at matagal na naging kongresista sa unang distrito.

Wala ring nakitang mali ang COMELEC local office sa paglilipat ng kaniyang residency at voter registration mula District 2 papuntang District 1.

“It is worth noting that the purpose of the residency requirement is to prevent a stranger or a newcomer who is unacquainted with the conditions and needs of a community and not identified with such community from seeking an elective office to serve the constituents of that community,” pahayag ni Marikina Mayor Marcy Teodoro.

Saad naman ng outcoming Mayor ng Marikina, dudulog siya sa COMELEC at maghahain ng Motion for Reconsideration dahil hindi naman final and executory ang desisyon ng poll body.

Saad pa ni Mayor Teodoro na mananatili siyang legitimate na kandidato sa pagka-kongresista sa First District ng Marikina.

“I will file a Motion for Reconsideration, and I have five days from today within which to do so, the Resolution is not yet final and for all intents and purposes I am still a legitimate candidate for Member of the House of Representatives of the First District of Marikina,” ani Teodoro.

Isa si outgoing Sen. Koko Pimentel sa mga naghain ng reklamo laban kay Mayor Teodoro dahil aniya sa ‘false residency.’

Si Teodoro ay isang 3-termer Mayor kung saan ilang beses na ginawaran ng Seal of Good Local Governance ang Marikina sa ilalim ng kaniyang termino.

Kilala rin si Mayor Teodoro bilang anti-corruption leader na matinding tumututol sa People’s Initiative ni Speaker Martin Romualdez para sa Charter Change.

“Patuloy akong maglilingkod sa taumbayan sa kabila ng mga balakid at ako’y nangangako na ipagpapatuloy ang lahat ng mga programa na aking nasimulan para sa kapakanan ng Marikina!” dagdag pa ni Teodoro.

Dahil dito, tinawag naman niyang ‘political maneuvering’ ang reklamo laban sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter