AGAD na nagpatawag ng press conference si elected-Cebu City Mayor Mike Rama matapos ang umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Dahil sa pangyayaring ito, idineklara ni Mayor Rama ang sarili bilang lider ng oposisyon sa Visayas, partikular sa Rehiyon 6, 7, at 8.
Si Rama, sa kabila ng sunod-sunod na kasong isinampa laban sa kaniya—na humantong sa kaniyang dismissal sa serbisyo—ay patuloy na naninindigan. Ito ay matapos niyang pangunahan ang malawakang protesta ng mga Sugbuanon para sa People’s Initiative (PI) na isinusulong noon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Pangungunahan ni Rama ang mapayapang protesta upang ipaabot ang kaniyang mensahe.
“Any means to bring a message of disgust, a message of non-acceptance, a message of disenchantment and a message of never again,” pahayag ni Mike Rama, Mayor Cebu City.
“It has to be us deciding! It has to be the Filipino people deciding, not other country deciding for us. It has to be us deciding,” paulit-ulit niyang pahayag.
“Ang we should give our round of applause to those who mourn and very much affected, round of applause to those who went out doing the noise barrage or whatever ilang gipakita nga protesta. Moabot ang panahon, wa na ni pasabot ana… patay na gyud ang demokrasya,”aniya pa.
Follow SMNI NEWS in Twitter
Follow SMNI News on Rumble