Mayor ng Marikina, unang mabakunahan ng Sinovac

Mayor ng Marikina na si Marcy Teodoro, ang unang mababakunahan ng Sinovac sa Marikina City sa unang araw ng vaccination roll out sa kaniyang siyudad, pero hinarang ng Department of Health (DOH) ang alkalde.

Ito ay para mahimok ang mga taga Marikina na ligtas ang China made vaccine ng Sinovac na Coronavac.
Si Teodoro naman ang mangunguna sa vaccination program kasama ang ilang miyembro ng gabinete sa Marikina Sports Complex.

Samantala, 1,500 na health workers ng Amang Rodriguez Medical center ang kasama sa priority list na mababakunahan ngayong araw.

Ayon sa Mayor ng Marikina, nagbigay ng consent ang nasabing health workers na maturukan ng Coronavac.
Pero aminado si Teodoro na may ilan ring health workers sa siyudad ang ayaw magpabakuna ng Sinovac.
Iginagalang naman raw ng city government ang pasya ng ilan sa kanilang health workers.

Samantala hinarang ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ngayong umaga si Marikina City Mayor Marcy Teodoro ng bakuna ng Sinovac.

Ito ay sa pagsisimula ng vaccination program ng siyudad ngayong araw sa Marikina Sports Center.Desidido si Mayor Teodoro na pangunahan sana ang vaccination program para makuha ang tiwala ng publiko na magpabakuna.

Ayon sa alkalde, bumagsak raw kasi sa 130 ang bilang health care workers na kasama sa eligible list na willing na magpabakuna ng sinovac.Ang bilang ay mababa kumpara sa naunang 1,500 na health workers na kasama sana sa mga mababakunahan ngayong araw.

Paliwanag naman raw ng DOH kay Mayor Teodoro, hindi raw kasama ang mga mayor sa alokasyon ng mga dapat mabakunahan.

Si Mayor Marcy Teodoro sana ang unang babakunahan sa kanilang siyudad para mahimok ang mga taga Marikina na ligtas ang China made vaccine ng Sinovac.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.