Mayor Pangan, pangungunahan ang pangangasiwa sa OSCA sa ika-4 na araw ng consultative meeting sa 6 distrito ng Maynila

Mayor Pangan, pangungunahan ang pangangasiwa sa OSCA sa ika-4 na araw ng consultative meeting sa 6 distrito ng Maynila

PANGUNGUNAHAN ni Manila City Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan ang pangangasiwa ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) kung saan isasagawa sa ika-4 na araw ng consultative meeting sa bawat barangay ng anim na distrito sa Maynila.

Ayon kay Mayor Pangan, ang layunin ng aktibidad na ito ay upang maging maayos at wasto ang inihahanda para sa senior allowance payroll para sa mga buwan ng Enero, Pebrero, Marso, at Abril 2024.

Kaya’t inaanyayahan nito na makiisa at daluhan sa itinakdang petsa, araw at oras ng consultative meeting ang lahat ng punong barangay, barangay secretary o kung sino mang awtorisadong nag-aayos o gumagawa ng updated senior masterlist ng kanilang mga barangay. Sapagkat lubhang napakahalaga ang nasabing aktibidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble