BUNGA ng pinaigting na kampanya ng PRO3 laban sa mga loose firearms, boluntaryong isinuko ng isang alkalde sa Nueva Ecija ang kaniyang limang baril kasabay ng pagkansela ng lisensiya ng mga ito at ang kaniyang permit to carry.
Layon ng panawagang ito na mabawasan ang banta ng kriminalidad at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Inaasahan naman na magsisilbing halimbawa sa publiko ang tinuran ng alkalde sa boluntaryong pagsuko nito ng baril bilang pagsunod sa batas.
Ayon kay PRO3 Director, PBGen. Redrico A. Maranan,
“Ang kampanya laban sa loose firearms ay hindi lamang laban ng kapulisan kundi responsibilidad ng bawat mamamayan.”