Mayor Sara alay ang 84th araw ng Dabaw para sa mga Frontliner

KAKAIBA at espesyal ang selebrasyon ng Ika-84 Araw ng Dabaw na alay sa mga Frontliner ng lungsod na lumaban at nasawi dahil sa pandemya.

Sa mensahe nito para sa pagdiriwang ngayong taon, sinabi ni Mayor Sara na kakaiba ang selebrasyon ngayong taon ng founding anniversary ng siyudad, kung ikukumpara sa mga nagdaang taon, dahil sa nagpapatuloy pa rin na pandemya.

Kaya naman, ito na ang ikalawang taon ng pagdiriwang ng lungsod na walang pagtitipon-tipon at iba pang nakasanayan ng aktibidad dahil pa rin sa umiiral na guidelines kung saan ipinagbabawal ang mass gatherings. 

Ayon sa mayora—na marami na ng nangyari sa siyudad—sa loob lamang ng isang taon, at hindi na ito ang dating Davao City noong 2020. at kahit nagpapatuloy pa rin ang banta ng Coronavirus Disease—naniniwala ang mayora na malalampasan ito ng mga Dabawenyo—gaya na rin ng mga nagdaang pagsubok. 

“A lot has happened in the span of a year; we are not the same city we were in 2020, and the threat of Covid-19 is still present, but as resilient and united dabawenyos, we shall overcome, as we always have, in the face of adversity,” ayon sa alkalde.

Samantala, binigyang pugay rin ni Duterte-Carpio ang lahat ng COVID-19 frontliners, maging ang mga nasawi dahil dito, at ang publiko na patuloy na sumusunod sa mga ipinapatupad na minimum health protocols upang makaiwas sa pagkahawa sa nakamamatay na sakit.

Patuloy naman umaasa ang mayora na maipagdidiwang ulit ng siyudad ang selebrasyon ng pagkakatatag nito gaya ng dati. 

Patuloy naman na nananawagan ang mayora sa publiko na manatili lamang sa kanilang mga bahay, para sa araw ng Dabaw, dahil naghanda naman ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng online events na maaari pa ring ma-enjoy ng mga dabawenyo—kahit na sa kani-kanilang mga pamamahay lamang. 

Kaninang umaga ay isang flag aising ceremony ang isinagawa sa Davao City Hall Grounds bilang pasimula ng selebrasyon –at magsisimula naman mamayang alas 8 ng gabi—ang virtual opening ceremony ng 84th Araw ng Dabaw.

SMNI NEWS