NAPANATILI ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kaniyang pangunguna sa bagong vice presidential survey ng Pulse Asia.
Nakakuha si Duterte ng 53% sa isinagawang survey noong Pebrero 18 hanggang 23 mula sa 2,400 respondents.
Nasa ikalawang pwesto si Sotto na nakakuha ng 24%, sumunod si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na may 11%.
Ika-apat na pwesto naman si Dr. Willie Ong na may 6% at si Deputy Speaker Joselito Atienza na may 1% lang.
Samantala, nakakuha naman ng 0.1% o mas mababa ang iba pang vice presidential bets habang nasa 4% ang undecided o tumangging sumagot kung sino ang kanilang iboboto sa pagka-bise presidente.
Sinabi ng Pulse Asia na malaki pa rin ang suportang nakuha ni Duterte sa Mindanao na may 82%, sumunod sa Visayas na may 51%, 48% sa National Capital Region habang nakakuha ito ng 41% na score sa balance Luzon.