Mayor Sara, idinalangin ang mabuting kalusugan at kaligayahan ni PRRD sa ika-77 kaarawan nito

Mayor Sara, idinalangin ang mabuting kalusugan at kaligayahan ni PRRD sa ika-77 kaarawan nito

KAHIT hindi sila nakikitang nag-uusap ngunit mararamdaman pa rin ang pagpapahalaga ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang anak sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Ito’y matapos batiin ni vice presidential candidate Sara si PRRD sa kaarawan nito sa isinagawang campaign sortie sa Laguna.

“Mr. President, happy birthday. I wish you good health and happiness,” ayon kay Sara Duterte.

Ipagdiriwang ni Pangulong Duterte ang kanyang kaarawan sa Lunes, Marso 28.

Una nang naiulat na may tampuhan ang mag-ama matapos inanunsyo ni Sara sa isa sa kanyang social media video na hindi sila nag-uusap ng kanyang ama.

“Hindi pa po kami nagkakausap ni Pangulong Duterte,” aniya.

Itinanggi naman ng Palasyo na may namumuong hidwaan sa pagitan ni Sara at Pangulong Duterte.

Nilinaw ng Palasyo na mayroon lang silang magkaibang sinusuportahang kandidato.

Matatandaan na ibinunyag ni Pangulong Duterte na hindi nito nagustuhan ang desisyon ni Sara na tumakbong bise presidente lalo na’t nanguna ito sa mga survey sa preferred presidential bets.

Nakaraang taon ay ipinagdiwang ng Pangulo ang kaarawan nito sa Davao.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung saan gaganapin ni Pangulong Duterte ang kanyang ika-77 na kaarawan.

Follow SMNI News on Twitter