NAKIKIUSAP si vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte na tanggalin ang kanyang mga banner na nakakabit sa mga puno.
Ito’y matapos makita ni Mayor Sara ang mga banner na may mukha niya na nakakabit sa mga punong kahoy sa kanyang nagpapapatuloy na Mahalin Natin ang Pilipinas Ride.
Ayon kay Sara sa kanyang FB post, vice mayor pa lamang siya ay ipinagbabawal na nito ang pagkakabit ng mga karatula sa mga puno sa lungsod ng Davao.
“Paalala lang po sa mga kaibigan huwag po natin ikabit ang aking banners sa mga puno, please po pakitanggal at ilipat,” ayon sa post ni Mayor Sara sa kanyang FB page.
Paliwanag pa ng VP aspirant na nasasaktan ang mga puno at ayaw nitong magalit ang mga puno sa kanya.
“Nasasaktan po ang mga puno at ayaw natin magalit sila sa akin,” aniya pa.
Sa huli ay pinaalalahanan ni Mayor Sara ang mga Pilipino na mahalin ang mga puno ng Pilipinas.