Mayor Sebastian Baste Duterte nanumpa na bilang alkalde ng Davao City

Mayor Sebastian Baste Duterte nanumpa na bilang alkalde ng Davao City

PORMAL nang nanumpa na bilang alkalde ng Davao City si Mayor Baste Duterte kasabay ng iba pang bagong halal na opisyal ng lungsod.

Matapos ang mga paghahanda at pagtitiyak sa seguridad ng Sanguniang Panglungsod sa Davao City ay isa isa nang nagsidatingan ang mga bagong halal na opisyal ng lungsod ng Davao kabilang din ang mga miyembro ng House of Representatives.

Base sa tala na ating natanggap nasa 43 opisyal na panauhin ang dumalo ngayong araw gayun din ang ilan sa malalapit na kaibigan ng bagong alkalde.

Kabilang na ang mga pribadong indibidwal, mga opisyal ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at naval forces ang kabilang sa ilang mga dumalo sa nasabing kaganapan.

Nasa 23 councilors naman ang nanumpa ngayong araw mula sa 1st at 3rd districts ng Davao City.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Judge Emmanuel Claudio Carpio at kabilang din sa nanumpa ang bagong talaga na si Vice Mayor Melchore Quitain.

Habang ang panunumpa ni Mayor Baste Duterte ay pinangunahan naman ni Judge Loida S. Posadas.

Ang naganap na panunumpa ng mga bagong opisyal ay unang bahagi lamang ng program ngayong araw.

Ang ikalawang bahagi ay ang mensahe mula naman kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at pangatlong bahagi naman ay ang programa sa city hall na pinangunahan naman ni Mayor Sebastian Duterte.

Sa talumpati ni Mayor Baste, nilatag nito ang kanyang mga mandato gayundin ang pagpapasalamat nito mga Dabawenyo at sa kanyang mga magulang. Isa din sa highlights ng mga kaganapan ngayong araw ay ang pagdalo ng ating Honorary Chairman walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy na isa sa mga panauhin upang matunghayan ang panunumpa ng bagong talagang alkalde ng Davao City.

LIVE: Oath-Taking Ceremony of Davao City Mayor-Elect Sebastian “Baste” Z. Duterte

 

Follow SMNI News on Twitter