Mayor Teodoro, ‘di pahihintulutan ang pagbubukas ng mga sinehan sa Marikina

HINDI muna pahihintulutan ni Mayor Marcelino Teodoro ang pagbubukas ng mga sinehan sa Marikina City.

Ayon kay Mayor Teodoro, hindi pa malinaw kung bakit ito bubuksan ang mga sinehan at ano ang mga health protocol na ipatutupad sa loob nito.

Ito ang inihayag ni Mayor Teodoro sa panayam ng SMNI News.

“Naglabas ako ng executive order galling sa aking tanggapan, we could exercise necessary, appropriate, and incidental powers in order to ensure public health welfare,” pahayag ni Teodoro.

Ayon pa kay Teodoro, sa ngayon, hindi pa lubusang humuhupa ang kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Ani Mayor Teodoro, mas mainam na pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno ang pagpapahupa ng kaso COVID-19 at ang vaccination program.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.