Mayor Teodoro: Storage facility na paglalagyan ng Sinovac vaccine sa Marikina, mataas ang kalidad

POSITIBO ang tugon ni Marikina Mayor Marcy Teodoro nang magkaroon ito ng ocular inspection sa cold storage facility kung saan ilalagay ang unang batch ng 600,000 dosis ng Sinovac vaccine mula sa China.

Pribadong kompanya ang inatasan para sa transport at storage ng bakuna sa ilalim ng superbisyon ng MetroPac Movers Inc.

Ito ay kompanya sa ilalim ng Pangilinan Group of Companies.

Tiniyak din ni Marikina Mayor Teodoro na hindi papalya ang power supply o ang kuryente sa storage facility.

Mahalaga aniya na ma-maintain ang tamang storage temperature para sa bakuna.

Unang bibigyan ang health care workers bilang front-liners sa laban ng pamahalaan ng COVID-19 pandemic.

Una sa mga nakahanay ang mga nagtatrabaho sa COVID referral hospital, sunod ang DOH Level 3,2 and 1 hospitals at saka lamang mabibigyan ang LGU and Private hospitals.

Vaccination program sa Marikina, magsisimula ngayong Martes

Dahil nasa Marikina nakalagak ang mga bakuna, isa rin ang siyudad sa mga pinakaunang mabibigyan ng bakuna.

Ayon kay Mayor Teodoro, ngayong Martes ang simula ng kanilang pagbabakuna.

Ayon kay Mayor Teodoro, nasa dalawang linggo ang itatagal ng vaccination program sa health workers.

Nauna nang sinabi ng Malacanang na unang batch pa lamang ito ng Sinovac vaccine na darating sa bansa.

Katunayan, may order na P25 milyong doses ng Sinovac vaccine ang bansa sa Chinese vaccine maker.

Posible umanong nasa dalawang milyong doses na bakuna ng Sinovac ang darating sa Pilipinas kada buwan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.