PINARANGALAN ng Tatler Asia Magazine si Pasig City Mayor Vico Sotto bilang ”Asia’s Most Influential” Leaders 2002 dahil sa kanyang serbisyong publiko at pinakabatang nahalal na mayor ng Pasig City.
Pinuri si Sotto dahil sa pagsasagawa ng ”data-driven approach” na nagbibigay ng agarang tugon sa panahon ng COVID-19, pagpapatupad ng quarantine at lockdown sa kasagsagan ng pandemya.
Matatandaan na unang lumabas ang alkade bilang ”Asia’s Most Influential” noong 2021.
Kabilang sa mga mayor na pinarangalan ay sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Makati Mayor Abby Binay.