NAGBITIW na si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Aksyon Demokratiko bilang kasapi at vice president ng grupo.
Kinumpirma ito ni Chairperson Ernest Ramel nitong Miyerkules.
Aniya, hindi nila inaasahan ang pagbibitiw ng alkade matapos nitong ipasa ang resignation letter nito.
Samantala, bukas pa rin aniya ang pintuan kay Sotto sakaling bumalik siya sa grupo.
Matatandaan noong nakaraang kampanya sa national ay hindi nag-endorso ang alkalde para sa kanyang presidente.