PINASLANG ng mga armadong lalaki ang isang mayoral candidate sa Veracruz, Mexico nitong Martes, Abril 29, 2025.
Sa ulat, katatapos lang ng biktima na si Anuar Valencia na mangampanya sa lugar nang pagbabarilin ng mahigit dalawang dosenang armadong lalaki ang kaniyang campaign headquarters.
Hindi pa agad nagbigay ng pahayag ang mga awtoridad ng Veracruz hinggil sa insidente.
Ang municipal elections ng 212 munisipalidad sa Veracruz ay gaganapin sa Hunyo 1, 2025.